Know someone who'd love this clip?
Share it with friends and fellow fans.
Know someone who'd love this clip?
Share it with friends and fellow fans.
Mula sa pagiging isa sa pinakasinusubaybayang lokal na vlogger, trending music artist na rin si Alex Gonzaga dahil sa kaniyang kantang "Chambe." Sa programang "ASAP Natin 'To," ibinahagi ng magkapatid na Alex at Toni ang pinagmulan ng salitang "Chambe," na palayaw ng pamangkin ni Alex at anak ni Toni na si Severiano Elliott o Seve. "Nagsimula 'yan noong si Seve, ang tawag sa kaniya ng ate ko, chubby," kuwento ni Alex. "Super taba niya, talagang siksik na siksik na chubby, nilagyan lang namin ng 'm' sa gitna, 'chumbby,'" sabi naman ni Toni. "Dahil may pagkajologs talaga siya (Alex), [ginawa niyang] 'chambe,'" dagdag ni Toni. Kalaunan ay sinimulang awitin ni Alex kay Seve ang "Chambe," na may tonong hango sa kantang "Laki sa Layaw" ni Mike Hanopol, hanggang sa ginawa niya itong isang buong kanta na may kaakibat pang signature dance moves. Kinuha ni Alex ang kaniyang pamilya at ilang kakilala sa kanilang lugar sa Taytay, Rizal para maging bahagi ng music video ng kanta. "In-invite na lang kami ni Alex na, 'Hey, kailangan ko ng dancer for the dance craze' tapos di namin alam na magva-viral siya ng ganoon," kuwento ng isa sa mga back-up dancer ni Alex sa video, na kasamahan niya sa kanilang simbahan. Mapapanood din sa music video si Toni, ang kanilang mga magulang, ang nobyo ni Alex na si Mikee Morado, at maging ang kasambahay at cook o tagaluto ng pagkain ng mga Gonzaga. Itinanghal ni Gonzaga ngayong Linggo ang "Chambe" sa "ASAP Natin 'To" kasama sina Toni at iba pang Kapamilya stars gaya nina Luis Manzano, Billy Crawford, Maymay Entrata at Edward Barber. Ilang araw matapos ilabas ang music video, nanguna ito sa listahan ng YouTube ng mga top trending video sa Pilipinas. Sa ngayon, mayroon na itong 3.9 milyon views sa YouTube. CHAMBE CHAMBE OFFICIAL MUSIC VIDEO BY ALEX GONZAGA https://youtu.be/q80eP8eaBos ASAP Natin 'To: Chambe dance craze takes over ASAP Natin 'To https://www.youtube.com/results?search_query=%23ASAPNatinTo
L.A.B. is a New Zealand reggae band formed in Whakatāne, Bay of Plenty in 2016. Its founding members are Brad Kora and Stuart Kora of the band Kora. They soon engaged Joel Shadbolt on lead vocals and guitar, Ara Adams-Tamatea, formerly of Katchafire, as bassist, and Miharo Gregory as keyboardist. The band mostly composes reggae music, with a mix of electronic, blues, rock and funk music.
More about L.A.B.→Added